Connect with us

Hi, what are you looking for?

Op-Ed

Deal with drug issue, yes; but deal with HIV issue sensitively – Rep. Kaka Bag-ao

Rep. Kaka Bag-ao: “Ang punto ko ay simple lang: Huwag nating ipagpatuloy ang pagbibigay ng stigma sa pagkakaroon ng HIV. Hanggang ngayon ay kailangan pa rin nating palawakin ang isipan ng mga tao tungkol dito. Napakarami pa ring misconceptions at misinformation ang kumakalat. Binigyan pa ng mga ulat na ito ng pagkakataon ang mga taong kulang sa kaalaman na husgahan kaagad ang mga PLHIV sa social media.”

Nababahala ako sa paraan kung paano ibinalita sa media ang pagkakahuli ng 11 tao sa operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Tama naman na sugpuin ang problema ng droga, pero naniniwala ako na walang kinalaman dito ang pagbubunyag ng HIV status ng isa sa mga nasasangkot.

Maraming ulat ang nagbanggit na lumabas na positibo sa HIV ang isa sa 11 matapos dumaan sa test. Una, ang drug-related crimes ay hindi maaaring gamiting dahilan para sa compulsory testing ng sinumang nasasangkot. Pangalawa, matapos nilang i-test ang mga ito, ang tanong ko ay: Bakit kailangan itong ibunyag sa publiko? Ano po ang relevance ng pagiging person living with HIV (PLHIV) sa kaso nila?

Ang punto ko ay simple lang: Huwag nating ipagpatuloy ang pagbibigay ng stigma sa pagkakaroon ng HIV. Hanggang ngayon ay kailangan pa rin nating palawakin ang isipan ng mga tao tungkol dito. Napakarami pa ring misconceptions at misinformation ang kumakalat. Binigyan pa ng mga ulat na ito ng pagkakataon ang mga taong kulang sa kaalaman na husgahan kaagad ang mga PLHIV sa social media.

Ito ang dahilan kung bakit itinutulak namin ang pagpapasa sa panukalang Philippine HIV and AIDS Policy Act, na papalit sa kasalukuyang batas na kulang na kulang pag dating sa mga solusyong tutugon hindi lamang sa paglaganap ng HIV at AIDS, kundi sa paglaganap din ng mga maling pananaw tungkol sa mga ito.

Sa ipinapanukala namin, mayroong mas malinaw na probisyon tungkol sa confidentiality:

SEC. 41. Confidentiality. – The confidentiality and privacy of any individual who has been tested for HIV, exposed to HIV, has HIV infection or HIV and AIDS-related illnesses, or was treated for HIV-related illnesses shall be guaranteed. The following acts violate confidentiality and privacy:

a. Disclosure of Confidential HIV and AIDS Information – Unless otherwise provided in Section 40 of this Act, it shall be unlawful to disclose, without written consent, information that a person had HIV-related test and AIDS, has HIV infection or HIV-related illnesses, or has been exposed to HIV.
The prohibition shall apply to any person, natural or juridical, whose work or function involves the implementation of this Act or the delivery of HIV-related services, including those who handle or have access to personal data or information in the workplace, and who, pursuant to the receipt of the required written consent from the subject of confidential HIV and AIDS information, have subsequently been granted access to the same confidential information.

b. Media Disclosure – It shall be unlawful for any editor, publisher, reporter or columnist, in case of printed materials, or any announcer or producer in case of television and radio broadcasting, or any producer or director of films in case of the movie industry, or any other individual, or any information that would reasonably identify persons living with HIV and AIDS, or any confidential HIV and AIDS information or organization in case of social media, to disclose the names, pictures, without the prior written consent of their subjects except when the persons waive said confidentiality through their own acts and omissions under Section 4 (A) of RA 10175, otherwise known as the “Cybercrime Prevention Act of 2012” and Section 25 of RA 10173 otherwise known as the “National Privacy Act of 2012”.
Ang penalty para rito ay: “[I]mprisonment of six (6) months to five (5) years and/or a fine of not less than Fifty thousand pesos (P50,000.00) but not more than Five hundred thousand pesos (P500,000.00), or both imprisonment and fine, at the discretion of the court, and without prejudice to the imposition of administrative sanctions such as suspension or revocation of business permit, business license or accreditation, and professional license.”

‘Yung katunayan na kino-contemplate po nating gawing krimen ang disclosure ng HIV status ng isang tao ay pagpapakita na mali talaga ito. Hindi pa man ito naisasabatas nang tuluyan, sana makita nating hindi dapat ito gawin.

Advertisement. Scroll to continue reading.

Dapat din pong managot ang mga kasapi ng PDEA—hindi lamang ang nag-disclose sa media ng HIV status ng isa sa mga nasangkot, kundi ang mga responsable para sa puwersahang pag-test sa kanila. Kung sabihin man nila na walang testing na naganap at kusang sinabi ito sa kanila, wala pa rin silang karapatang ilabas ito sa publiko dahil paglabag ito sa privacy ng tao.

Sinusuportahan ko rin ang hiling ng civil society organizations na magpapadala ng liham sa PDEA upang makasama sila sa isang pulong para mas mabigyan sila ng kaalaman sa batas pag dating sa pagsasagawa ng mga operasyon na may kaakibat na kaalaman tungkol sa HIV at sa wastong pagtrato sa mga PLHIV.

________________

Si Rep. Bag-ao ang principal author ng House Bill No. 6617 (Philippine HIV and AIDS Policy Act), na inaprubahan na ng Kamara sa Second Reading. Download the bill: http://bit.ly/HIVAIDSPolicy2ndRdg.

Written By

Advertisement
Advertisement

Like Us On Facebook

YOU MAY ALSO LIKE

NEWSMAKERS

Among those born in the early 1980s to mid-1990s, often referred to as Millennials or Generation Y, 7.8% identified as homo- or bisexual in...

Travel

Harsh truth: More LGBTQIA Filipinos know their drag queen celebs, than those who know the history of Pride in the Philippines. Pinoys need to...

NEWSMAKERS

While advocating for consent and empowerment, some mothers admitted to discouraging certain clothing choices or closely monitoring their children's online activities to mitigate risks....

#KaraniwangLGBT

India-based drag artist Patruni never thought he'd be a father. But then he found love, and decided to raise a family. He now says:...

Advertisement