Upang alalahanin ang mga namayapa dahil sa HIV at AIDS, nagsagawa ng programa bilang bahagi ng International AIDS Candlelight Memorial (IACM) ang Wagayway Equality Inc. (WE Inc.). Ang programang may temang “In Solidarity: Together, WE Light Up The Way” ay provincial leg ng national commemoration ng IACM na pinangunahan ng TLF SHARE Collective Inc. at Pilipinas Shell Foundation Inc. PROTECTS Project.
“Ang pinakamagandang pag-alaala na maaari nating gawin para sa mga lumisan ay ang patuloy na pagtindig para sa mga kasama nating patuloy na lumalaban sa kabila ng pagkakaroon ng HIV at AIDS,” ani ni Aaron James Villapando, Monitoring and Evaluation Officer ng WE Inc.
Sa Batangas, ang candlelighting ceremony ay dinaluhan ng mga miyembro ng komunidad at organisasyon, maging ng mga duty bearers gaya nina Batangas City Vice Mayor Atty. Alyssa Cruz, at Atty. Pam Mendoza ng PAO. Ang gawain na ito ay suportado rin nina Hon. Mayor Beverly Dimacuha, Hon. Board Member Claudette Ambida, Hon. Board Member Arthur Blanco at Hon. Board Member Arlene Magboo. Buo din ang suporta ng mga partners gaya ng Batangas Provincial and City Health Office, Batangas Wellness Zone, Batangas State University – GAD Office.
Ang Wagayway Equality Inc. ay isang community-based organization sa Batangas na nagbibigay at nagsusulong ng mga makataong serbisyo at ordinansa na may kaugnayan sa kalusugan, sekswalidad, at karapatang pantao. Maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page na Wagayway Equality.