Music and Lyrics by Jerome Cleofas
Ang taglay niyang kulay ay bughaw
At sa kakisigan niya ako’y napukaw
Ako nama’y kahel na marikit, isang baluktot na yagit
Na hindi maituwid kahit ano’ng ipilit
At sa kakisigan niya ako’y napukaw
Ako nama’y kahel na marikit, isang baluktot na yagit
Na hindi maituwid kahit ano’ng ipilit
Musmos pa lang nang kami’y magkalaro
At sa mga kalaba’y ‘di sumuko
At kahit na ako’y sinasaktan, dahil ‘di pangkaraniwan
Sabi ni bughaw ako ay kaibigan, at siya ang aking pananggalang
At sa mga kalaba’y ‘di sumuko
At kahit na ako’y sinasaktan, dahil ‘di pangkaraniwan
Sabi ni bughaw ako ay kaibigan, at siya ang aking pananggalang
At mula noo’y ibinigay ang puso ko
Sa isang pangarap na hindi magkakatotoo
Dahil ako’y isang kahel na ligaw
Na umiibig sa isang bughaw
Sa isang pangarap na hindi magkakatotoo
Dahil ako’y isang kahel na ligaw
Na umiibig sa isang bughaw
At noong kami’y magbinata
Sa aki’y meron siyang pinakilala
Isang babaeng marikit, na maganda at mabait
Kaya si bughaw kay pula naakit
Sa aki’y meron siyang pinakilala
Isang babaeng marikit, na maganda at mabait
Kaya si bughaw kay pula naakit
At sa altar siya’y naghintay
Sa babaeng aalayan niya ng buhay
Ako nama’y naro’n lang sa tabi, nakangiti kahit masakit
Ngunit ang makita siya na maligaya, ay sapat na upang ako ay sumaya
Sa babaeng aalayan niya ng buhay
Ako nama’y naro’n lang sa tabi, nakangiti kahit masakit
Ngunit ang makita siya na maligaya, ay sapat na upang ako ay sumaya
Dahil sa kanya pa rin tumitibok ang puso ko
Siya ang tanging pangarap kong hindi nagkatotoo
Ngayon ako’y isang kahel na uhaw
Na umiibig sa isang bughaw
Siya ang tanging pangarap kong hindi nagkatotoo
Ngayon ako’y isang kahel na uhaw
Na umiibig sa isang bughaw
At ang mga tao’y lumipas na
Siya ay nagkapamilya at ako’y tumandang mag-isa
Siya ay nagkapamilya at ako’y tumandang mag-isa
Sa huling hibla ng aking buhay
Si bughaw sa aki’y naka akay
Si bughaw sa aki’y naka akay
Sabi niya kahel kong marikit, sa palad mo nakaguhit
Ang pangakong ako ang ‘yong kaibigan, nandito lang ako kailan pa man
Ang pangakong ako ang ‘yong kaibigan, nandito lang ako kailan pa man
At hindi ko man ibinigay ang puso ko
Sabay naman nating tinupad ang mga pangarap mo
Salamat kahel at hindi ka bumitaw
Salamat, nagmamahal, bughaw
Sabay naman nating tinupad ang mga pangarap mo
Salamat kahel at hindi ka bumitaw
Salamat, nagmamahal, bughaw
In this article:#FightForLove, #LoveisLovePH, gay manila, lgbt, LGBT Philippines, LGBT relationships
Written By
Contributing Writer
