Statement of Dennis Corteza on the Manny Pacquiao debacle.
Oo na! MASAHOL na kung MASAHOL ako. Pero bro ‘wag mo naman pagsigawan. Salot, sunogin, makasalanan and the likes (maka ingles lang ako). Alam ko na yan, ganyan din paniniwala ko before. You know? Loyalty award sa Catholic shool of St. Anthony tapos nag UST pa. Halos araw-araw almusal na namin yan mga harsh words na yan, with extra rice pa. (burp!)
Pero sometime lassyir, yes one word lang ang “last year”. Na witness ko mag breakdown ang isang tatay dahil nagpakamatay ang teen daughter n’ya. Two hours na biyahe from Taal papunta sa San Juan Hospital ako ang umalalay kay tatay. Pasok sa banga ang moment, pwedeng hashtag #WorstExperienceOfMyLife. Ang sakit-sakit makita ang isang ama na mamatayan ng isang anak. To think ‘di pa kami close ni father. Sa last note ni teen daughter nag-come out siya. Yes bro part siya ng LGBT community. Pero magaling si teen parang X-men lang yun si Mystique naitago n’ya ang totoong s’ya ng bonggang-bongga.
Tsuhyirs ago naman (yes one word din ang two years) sa kabilang tower lang sa Tivoli Gardens (alam ko tinatawanan mo yun Tivoli, totoo ang name bro). Isang 43-year-old gay kapitbahay ang sinaksak ng 18 beses bago pagnakawan ng dalawang lalaki. Harshtag #HateCrime ‘to walang duda. Sobrang dami ng saksak bro.
Cut to yesh tirday (two words na po ang yesterday, tsuhday lang nangyari). Sa kalye namin. Isang six-year-old boy sinapak n’ya isa pang boy at sumigaw ng “Bakla!” Harshtag #ParangLibrengBatokLangPagBakla? Pero ‘di naman kalbo yun tinawag na bakla, chos!
Bored ka na ba? Last paragraph na ‘to promise. Hehe. Pag pinagsigawan mo kasi na MAS MASAHOL PA KAMI SA HAYOP baka may ibang makarinig. Pwedeng anak o kapatid mong ‘di pala out. Pwede rin marinig ng mga magnanakaw at gawin nilang license to kill ang statement mo. Pwede rin marinig ng isang six-year-old kid na gamitin n’yang rason para lang masapak ang isa pang bata na pagbintangan n’yang bakla. So bro, bulong mo na lang sa akin na “Mas Masahol Pa Ako Sa Hayop”. Tatanggapin ko ng buong buo tapos usap tayo. Kwento ko ng mas detalye yun tatlong storya sa itaas ng mahabang post na ito. Baka sakali may mapulot tayong aral. Operative word “Baka”. Harshtag #MayIbangSaradoAngIsip.
Let’s go for world peace be with you and you, you’re gonna love me bro. Mwahugs!
DIVERSE EXPRESSIONS OF PRIDE AT TAIWAN LGBT PRIDE PARADE 2015