Sa ngayon, nakalilito pa ang industriya ng foreign exchange o Forex sa Pilipinas dahil hindi pa ito masyadong laganap dito. Dahil dito, mahirap humanap ng lehitimong Forex broker Philippines na iyong mapagkakatiwalaan – isang bagay na mahalaga pagdating sa kahit anong bagay na may kinalaman sa pera.
Isang paraan para malaman kung lehitimo ang iyong napiling Forex broker ay kung ito ba ay awtorisado ng Securities and Exchange Commission o SEC. Bagamat hindi kinakailangan, ito ay nirerekomenda pa rin ng gobyerno ng Pilipinas upang maprotektahan ang mga nagnanais pasukin ang industriyang ito.
Upang mapadali ang paghahanap ng Forex broker, narito ang mga nangungunang brokers sa Pilipinas.
FXTM
Ang ForexTime o mas kilala bilang FXTM ay isang Forex broker na itinatag noong 2011. Kinikilala ito bilang isang lehitimong broker dahil sa kanyang pagiging regulated ng mga ahensya ng gobyerno sa iba’t ibang bansa, kasama na dito ang Pilipinas.
Dahil sa kanilang mabilis at maayos na serbisyo, ang FXTM ay kinikilala bilang isa sa mga nangungunang Forex brokers sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ang kanilang customer service ay maaring kontakin sa iba’t ibang wika, isang serbisyong nakatutulong sa mga traders na hindi masyadong marunong mag-ingles.
Ang FXTM ay marami ring mga serbisyong makatutulong sa pagpalalim ng iyong kaalaman tungkol sa industriya ng Forex katulad ng demo account at mga online seminars.
FBS
Ang Financial Brokerage Services o FBS ay isang Forex broker na mas makikita sa Asya. Ang kanilang mga opisina ay matatagpuan sa iba’t ibang bansa kabilang na dito ang Pilipinas. Sila ay unang naitatag noong 2009 at nagsimula ang kanilang operasyon sa bansang Russia. Mula noon ay lumaki na ang kanilang client base.
Ang FBS ay naging sikat na Forex broker dahil sa mababang halaga na kinakailangan upang magbukas ng isang account. Ang kanilang customer service din ay nag-aalok ng serbisyo sa 18 wika katulad ng sa FXTM.
Isa pang bagay kung saan lamang ang FBS ay ang kanilang 100% deposit bonus na inaalok sa lahat ng kanilang bagong kliyente.
eToro
Ang eToro ay isang kilalang Israeli Forex broker na itinatag noong 2007. Ang eToro ay kinikilala bilang isang lehitimong at ligtas na Forex broker dahil siya ay regulated ng mga malalaking ahensya sa UK at Australia. Bukod dito, siya ay isang kilalang fintech startup kaya mas maraming nagtitiwala sa kanila bilang Forex broker.
Bilang isang Forex broker, ang eToro ay nagbibigay ng mga makabagong serbisyo sa mga traders katulad ng social trading kung saan maari mong kopyahin ang estratehiya ng ibang mga trader. Bukod dito, ang kanilang serbisyo ay maaring mapakinabangan ng kanilang mga non-EU na kliyente sa maliit na halaga lamang. Mabilis at maayos rin ang sistema ng pagbukas ng account sa eToro, isang malaking bagay para sa mga baguhan pa lamang.
Alpari
Ang Alpari ay isang Forex broker na nagsimula noong 1998 ngunit sila ay nagrelaunch bilang Alpari International noong 2004. Simula noon, ang mga traders ay maaring nang mag-trade sa higit na 250 na merkado gamit ang iba’t ibang trading platform.
Ang kanilang mga serbisyo ay dinisenyo para sa mga baguhan at propesyonal na trader. Isang kalamangan ng Alpari sa ibang mga Forex broker ay ang pagkakaroon nila ng iba’t ibang klase ng trading account – ang iba ay nag-aalok ng commission-free trading.
HF Markets
Isa pang nangungunang Forex broker sa Pilipinas ay ang HF Markets. Ang broker na ito ay itinatag noong 2010 at ito ay regulated ng iba’t ibang ahensya. Kilala bilang isang socially responsible Forex broker, ang HF Markets ay nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo para lalong lumalim ang kaalaman tungkol sa Forex trading.
Bukod sa kanilang mga trading tools, sila ay may iba pang mga serbisyo katulad ng negative balance protection, mga commission-free accounts, investor compensation fund, at iba pa.
Konklusyon
Hindi pa gaanong malawak ang industriya ng Forex trading sa Pilipinas at dahil dito, nakalilito ang pagpili ng Forex broker na mapagkatitiwalaan at sigurado kang ligtas ang iyong puhunan. Isang bagay na maaring pagbasehan kung ang isang broker ay mapagkatitiwalaan ay ang kanyang pagiging awtorisado ng SEC. Bagamat hindi ito kinakailangan, nakatutulong pa rin ito sa pagpili.
Ang mga nailistang Forex brokers ay iilan lamang sa mga brokers sa Pilipinas ngunit ang kanilang magandang serbisyo at maayos na kwalipikasyon ang mga dahilan kung bakit sila ang nangunguna sa industriya.