By Neal Roxas
Queer Quezon
maalala mo sana siya
hindi sa bakas ng mahigpit
na sakal sa kanyang leeg
o sa natapyas nyang tenga,
hindi sa pagkalublob sa inodoro
o sa puting kumot na huling
yumakap sa kanya bago—
maalala mo sana siya
sa malago niyang buhok,
mapungay na mga mata,
hatid ang init nang sya ay makilala,
sa ingay ng kalsada,
at sa sigaw ng masa,
bilang simbolo
ng pumikit-dumilat na hustisya
sa isang lipunang hindi yumayakap
kundi nananakal ng magaganda