Connect with us

Hi, what are you looking for?

Literary Pieces

Babae. Lesbiyana.

“Babae po ako. Ngunit babae rin ang gusto ko. Pang-lalake man ang kilos at anyo. Sa babae pa rin naman ako nagbabanyo.”

Photo by Chris Johnson from Unsplash.com

By Chris Salvatierra

Pilit kong iniisip
Kung inisip ko at pinilit
Kung nagbago ba ang ihip
Ng hangin noong ako’y isang paslit

Ang paghanga sa kapwa babae
Ang kilos, lakad at pananalita
Na animo’y lalake
Na nagsimula noong ako’y bata

Tinanong ako kung ako ba’y humanga
Sa mga guwapo at pogi
At ang sagot ko’y oo nga
Pagtangi ay sa babae lagi

Ni minsa’y hindi kinilig
Kahit na noong panahong
Maliit pa ang mga bisig
Suot ay bestida at hindi lontang maong

Matagal na proseso
Matagal na nilihim
Hindi umasenso
Dahil sa sariling paninimdim

Hanggang ako’y namulat
At seryosong nagkagusto
At sinimulang isulat
Nilahad, ipinusta pati pamato

Wala naman kasing nagturo
Naramdaman na lang
Tapos para akong tuliro
Noong ako’y pitong taong gulang

Advertisement. Scroll to continue reading.

Kaibigan ko siya
Sa ikalawang baitang
Kapag kasama’y masaya
Kapag naka-akbay ay lutang

Marami nang napusuan
Panahon na ang lumipas
Gusto’y babae pa rin naman
Sa pagkatorpe’y walang kupas

Madalas sakin ay tinatanong
Kahit hanggang opisina
Siguro sila’y hilong talilong
Kung Ma’am o Sir ang itatawag twina

Babae po ako
Ngunit babae rin ang gusto ko
Pang-lalake man ang kilos at anyo
Sa babae pa rin naman ako nagbabanyo

Lesbiyana kung ako’y tawagin
Tomboy sa kanto namin
Ate sa kapatid ko
Tita sa mga pamangkin ko

Eto ang aking SOGIE
Lesbiyana – Sexual Orientation
Babae – Gender Identity
Butch/masculine – Gender Expression

Hindi napipilit ang puso
Kusang tumitibok sa ritmo
Hindi ito parang damit na nakiki-uso
Hindi sinisino kahit amo

Masarap sanang maging malaya magmahal
Malaya sa mga matang mapanghusga
Malimit pang nasasabihan ng hangal
Madalas pang tumanggap ng pang-aalipusta

Pantay-pantay na karapatan
Dinggin sana ang aming hiling
Hindi espesyal ang aming panawagan
Sugat ng diskriminasyo’y laging nasasaling

Advertisement. Scroll to continue reading.

Lungkot ay aking ramdam
Kapag hindi niyo maintidihan
Sana hindi niyo maranasan
Ang araw-araw naming pinagdadaanan

Kapag maganda o guwapo sa paningin
Sayang ang palaging sinasabi sa amin
Pero bakit sayang ang sasabihin?
Ano bang nasayang sa amin?

Isa po akong babae
Mahigit apat na pung taong gulang na
Mukha lang pong lalake
Isa pong lesbiyana

Advertisement
Advertisement

Like Us On Facebook

YOU MAY ALSO LIKE

NEWSMAKERS

It makes good business sense for companies to have a preventive strategy in place as sexual harassment is a real business risk and the...

NEWSMAKERS

A growing number of young people are identifying as part of the LGBTQ+ community, and many are challenging binaries in gender and sexual identity...

NEWSMAKERS

38% of young females reported that their interactions with males were different following to the #MeToo movement. Male managers were significantly less likely to...

#KaraniwangLGBT

Meet Leigh F. Capule, a project manager at HSBC, who helped found HSBC Pride + Ally Network in GSC Philippines. "I truly believe that...

Advertisement