By Marlon Sy
Ah, sa akin ika’y buwan,
sa gabi ng buhay ika’y tanglaw.
At sa liwanag ng umaga, nandiyan, kasama ng panginoong araw.
Kaloob ka: God gave me you.
Dumating di hinanap.
May pusong walang pagpanggap.
Uhaw kong damdamin, binusog.
Tulog kong buhay, nagkamalay.
Pananalig, pagmamahal.
Di maabot ngunit damang dama.
Magkalayo ngunit magkaugnay.
Buwan, ay ayatin ka!