Connect with us

Hi, what are you looking for?

Op-Ed

Pagkondena sa pagtigil ng PEPFAR funding

America’s re-elected president, convicted felon Donald Trump, released an executive order that halts release of funding through the U.S. President’s Emergency Plan for AIDS Relief (PEPFAR), which is a major supporter of HIV-related efforts in the Philippines. This is the statement of Batangas City-based Wagayway Equality Inc.

Photo by Darina Belonogova from Pexels.com

By Aivan Alvarez
Founding head, Wagayway Equality, Inc.

America’s re-elected president, convicted felon Donald Trump, released an executive order that halts release of funding through the U.S. President’s Emergency Plan for AIDS Relief (PEPFAR), which is a major supporter of HIV-related efforts in the Philippines. This is the statement of Batangas City-based Wagayway Equality Inc.

Mariing pagkondena sa desisyon ng administrasyong Trump na suspindihin ang PEPFAR, isang programang naging pundasyon ng pandaigdigang laban sa HIV. Ang biglaang pagpapatigil nito ay hindi lamang usapin ng pondo—ito ay isang malupit at mapanganib na hakbang na direktang naglalagay sa panganib sa buhay ng milyun-milyong taong may HIV, lalo na ang mga kabilang sa key populations tulad ng MSM at transgender women (TGW), na higit na nangangailangan ng libre at abot-kayang serbisyo para sa paggamot at HIV prevention.

Ito ay isang atake sa buhay. Ang pagkakait ng pondong ito ay maaaring magtulak ng libu-libong pagkamatay, makapigil sa access sa HIV treatment, at makapagpabagal sa mga pandaigdigang pagsisikap na sugpuin ang HIV epidemic. Hindi ito simpleng desisyong administratibo—ito ay isang desisyong pumapatay.

Simula 2020, mahigit 2 bilyong piso na ang naiambag ng PEPFAR sa Pilipinas upang suportahan ang HIV response, at may nakalaang 875 milyong piso pa sana hanggang 2026. Ngayon, dahil sa suspensiyong ito, nanganganib ang testing, treatment, at prevention programs, lalo na sa grassroots level, kung saan pinakamalakas ang epekto ng community-led HIV services. Dahil sa desisyong ito, maraming Pilipino ang maaaring mawalan ng access sa antiretroviral treatment (ART), na isang hatol ng kamatayan para sa ilan.

Mabigat din ang epekto nito sa local community-based organizations (CBOs) na siyang pangunahing nagsasagawa ng HIV testing, outreach, counseling, at treatment support sa ground level. Ang pagkawala ng pondo ay magdudulot ng pagsasara ng community-led clinics, pagbawas ng outreach activities, at kawalan ng suporta sa mga peer navigators—mga serbisyong siyang bumubuo sa core ng grassroots HIV response sa Pilipinas. Kapag humina ang CBOs, mas maraming vulnerable communities ang mawawalan ng access sa essential HIV services.

Agarang aksyon ang kinakailangan mula sa Department of Health (DOH). Kailangan ng madaliang solusyon upang matiyak na hindi mapuputol ang kasalukuyang mga serbisyo para sa PLHIV at key populations. Kasabay nito, kinakailangang palakasin ang long-term sustainability ng HIV programs sa pamamagitan ng lokal na pondo, integrasyon sa universal healthcare, at mas matibay na suporta mula sa pambansang pamahalaan upang hindi na tayo umasa lamang sa dayuhang tulong.

Hindi lamang ito usapin ng pondo—ito ay usapin ng buhay at kamatayan para sa libu-libong Pilipino. Hindi dapat hinahayaan ng gobyerno na masayang ang dekadang pagsisikap para sa HIV response. Panahon na para gawing prayoridad ang lokal at sustainable HIV funding upang mapanatili ang buhay ng ating mga komunidad.

Patuloy ang panawagan para sa sapat at sustainable na HIV response. Hindi tayo titigil sa paglaban para sa buhay, dignidad, at kalusugan ng bawat Pilipinong apektado ng HIV.

#IligtasAngHIVFunding
#HuwagPatayinAngPrograma
#PatuloyAngLaban
#HIVResponseIsNonNegotiable
#ActNowDOH
#SupportLocalCBOs

Advertisement. Scroll to continue reading.
Written By

Advertisement
Advertisement

Like Us On Facebook

YOU MAY ALSO LIKE

POZ

Global health leaders called on donor governments to sustain support for the HIV response, and on low- and middle-income countries to continue stepping up...

NEWSMAKERS

In a secluded area of Purok 6, Barangay Sumpong, Malaybalay City, Bukidnon, the body of Betty Benito, a 23-year-old transgender woman, was found with...

NEWSMAKERS

The share of adults reporting sexual harassment in the previous year increased from 10.7% in 2018 to 24.3% in 2024. The increase was seen...

NEWSMAKERS

Listeners in the Philippines are tuning in; consumption of locally created LGBTQIA+ podcast shows on Spotify grew by more than 20%.

Advertisement