By Kate Montecarlo Cordova
Founder and Chairwoman
Association of Transgender People in the Philippines
Maraming transang nagsasabi ngayon:“Acceptednaman na ang mga trans.”
Ilusyonada!
Ang hindi pumapasok sa isip nila: Hindi ito nangyari nang biglaan, at lalong hindi ito naturalna ibinigay ng lipunan.
Ang nakakalimutan ng karamihan ay ang mga taong lumaban – ang mga trans activists – na matagal, tahimik, at mapanganib na ipinaglaban ang karapatang pantao ng mga trans, kahit hindi sila nakikita, kahit walang papuri, kahit may kapalit na diskriminasyon, karahasan, at pagkawala ng oportunidad.
Mga ate, huwag tayong magpaka-ilusyon na bigla na lang tayong nagkaroon ng puwang sa lipunan. Hindi ito ibinigay. Ipinaglaban ito. Na maaring hindi nyo alam.
At ipinaglaban ito ng mga trans activists noon na walang takot, walang pahinga, at walang kasiguraduhan kung may kahihinatnan ang kanilang sakripisyo.
13 years ago, pinagsisigawan na namin, “Trans women are women“. Walang umalma sa community natin.
Ngayon, tinatamasa nyo na mga epekto ng mga pinaglaban noon.
Nakalimutan na ba natin na kamakailan lang:
- bawal magtrabaho sa opisina ang naka-damit pambabae,
- bawal ang mahaba ang buhok,
- bawal gumamit ng CR ng babae,
- bawal mag-exist openly bilang trans sa corporate at public spaces?
Nakalimutan na ba natin ang recent history kung saan ang mga trans ay ikinahon sa iisang klase ng hanapbuhay – parlor lang, Japan lang, o underground work?
At kung may trabaho man sa opisina, kailangan tago, tahimik, at takot.
Ang tanong: Ito ba ay bigla na lang na naging katanggap-tanggap?
Kung akala ninyo ganoon lang kadali, nag-iilusyon kayo. Nanaginip kayo.
Nagkaroon ng recognitionsa mga policies, pati sa corporate world, na maaaring gumamit ng CR ng babae ang trans women dahil sa malinaw na pagkilala na ang trans women ay women. At ang pagbabawal dito ay may negative psychological impact.
Nagkaroon ng puwang sa employment industry ang mga trans people dahil sa konseptong ito. Lumawak ang influence. Biglang naging normal.
Tapos, eto kayo lalabas na para bang may pinaglalaban sa buhay? Ano ba pinaglalaban nyo? Ang trans women are still men? Aba, kung lalake kayo sa tingin nyo sa sarili nyo, eh di lalake kayo. You don’t speak for us. Hindi kayo trans women. Lalakeng pa-girl kayo. Or baklang pa-girl.
Kung lalake ka, at trip mo lang mag-bistida, magpa-suso, o magpa-kipay, sa CR ng lalake ka pa rin ayon sa sistema ngayon.
Iyan ang mismong essence ng ipinaglaban – identity, hindi costume.
Ngayon, mga pa-girl na bakla: Kung hindi ninyo sinubaybayan ang pakikibaka ng mga trans activists, at wala kayong ambag sa mga karapatang tinatamasa ninyo ngayon – tulad ng paggamit ng CR ng babae, pagtanggap sa opisina, o paggalang sa public spaces – huwag ninyo kaming idamay.
May mga ipinaglalaban kami na, unfortunately, pati kayo ay nakinabang. Pero hindi iyon nangangahulugang puwede ninyong baluktutin ang diwa ng laban.
At ito na lang: Kung tingin ninyo sa sarili ninyo ay lalake na bet lang magpa-girl, at sinita kayo sa resto or sa bar dahil may dress code at hindi angkop ang suot ninyo, huwag na huwag kayong sisigaw ng “human rights violation.”Kasi walang human rights violation dyan.
Bakit? Dahil ang lalake ay may dress code na sinusunod. At kung lalake kayo, lalake ang standards na susundin ninyo.
Kaya ang tanong ngayon ay ito: Ano ba talaga ang ipinaglalaban ninyo?
At anong karapatan ang sinusulong ninyo kung gusto ninyong magbistida, pero lalake pa rin ang pagkatao na inaangkin ninyo?
Whatever that is, I respect that. Pero ang laban ng mga trans women, ay laban ng mga trans women.
No one has the right to speak for us, even those men who have undergone SRS!































