Connect with us

Hi, what are you looking for?

Op-Ed

Mga huwad: Huwag ako, huwag kami!

Ilan sa mga kakilala mo ang nag-post ng #SOGIEEqualityNow, o nagpalit ng Facebook profile pic featuring the rainbow flag pero galit sa pagsali ng trans women sa Miss Universe, o tahimik sa ibang issues ng minorities na LGBTQIA? Tukuyin natin ang mga huwad.

Marahil maraming nakapansin dumadami na nakiki-beki sa laban nating mga beki. Nakakatuwa. Nakakataba ng puso. Nakakagaan ng loob. Ngunit nasaan na nga ba tayo? Gaano na tayo kalayo?

Dalawang taon na nating hindi naipagbubunyi ang kalayaan nating ihayag at ipakita sa lansangan kung gaano kasaya ang maging bakla, kung gaano kasaya ang pagkakaroon ng kaibigang bakla. Hadlang sa pagtitipon ang pandemya pero wala tayong ibang magagawa kung hindi ipaagdiwang ang ating kabaklaan sa paraang hindi napapahamak ang sino man dala ng banta ng COVID-19.

Nakita niyo na bang ang mga kaibigan niyong nagpalit ng kanilang mga larawan sa Facebook na may mga matitingkad na kulay ng bahaghari? Mga kaibigang alam niyo naman ay hindi bakla, tomboy, silahis, o iba pa ngunit nakikiisa sa laban nating mga bakla?

Masaya’t masarap isipin na kasama natin sila ngayong buwang ng pagdiriwang para sa malayang paghayag ng atin mga kasarian. Mas masaya kung ang kanilang pakiki-isa ay hindi lang para sa bilang ng mga taong maglilike sa mga litrato nila. Masayang isipin kung totoong kaisa sila at hindi lang nakikisabay sa agos ng panahon, mga naki-uso lang.

Maraming ka-alyansa ngunit gaano nga ba kalalim ang kanilang pag-unawa sa usapin? Hindi ko sinasabing may perpektong ka-alyansa dahil lahat tayo marami pang kailangan matutunan. Ngunit nawa’y maunawaan nila na ang pagiging kaalyansa ay mas malalim pang obligasyon: ang pag-unawa sa mga isyung isinusulong. Hindi sapat na madaming likes sa mga larawan. Hindi sapat ang pakiki-hashtag. Hindi sapat na natutuwa o natatawa ka sa mga komedyante bakla. Kailangan alamin mo’t maunawaan mo ang laban. Hindi naman kailangan biglaan pwede naman pa-isa isa lang.

Ka-alyansa ka nga ba kung may pa-hashtag kang #SOGIEEqualityNow pero ayaw mo naman tanggapin na babae ang mga trans woman? Ka-isa ka nga ba kung may pagpapalit kang larawan na may bahaghari pero hindi mo gustong makaroon ng kasal para sa mga bakla o tomboy? Kasama ka nga ba sa pakikibaka kung hanggang hunyo ka lang nakikiisa pero sa mga ibang araw ng taon wala kang paki-alam sa usapin naming mga bakla?

Maraming nakikisabay, salamat, pero konting lang talaga may pakikisama.

Marami na rin minsang tinawag ang kanilang mga sarili bilang mukha at boses ng ating samahan. Pagkatapos pagkakitaan ang panandaliang kasikatan, isa isa, paunti na silang nawala dahil sumagad na sa kita. Mga boses at mukhang isinulong ang kanilang sariling adbokasiya pero tinalikuran ang laban ng mga ilan sa ating samahan. Hindi pwedeng sabihin mong ikaw ang mukha ng LGBTQIA+ kung ang laban mo ay para lang sa mga bakla pero hindi para sa iba. Hindi pwedeng ikaw ang boses kung hindi mo kayang isulong ang laban ng mga kapatid mong nakikipaglaban sa HIV at AIDS. Sa mga susunod sa yapak ng mga nauna na, huwag kayong malunod sa iisang basong tubig. Tablan ng konting kahihiyan sa mga tunay nakikipaglaban upang isulong ang mas makatotohanang laban para sa ating karapatan sa lipunan. Huwag kayong maging makasarili sa pag-ako dahil ang totoong mukha at boses ng LGBTQIA+ ay hindi iisang tao o organisasyon; ikaw, ako, at tayo – ang mga boses at mukha ng labang ito.

Advertisement. Scroll to continue reading.

Sa isang samahan, sama-sama, hindi ito paunahan kasi iisa lang tayo.

Para sa mga tagong miyembro ng LGBTQIA+, walang masama sa pagtatago. Walang mali sa desisyon niyo lalo’t tayo’y nasa lipunang puno ng mapanuring mata at matatabil na dila. Kami ang dapat humingi ng kapatawaran. Alam kong minsan may isa o dalawang miyembro na rin ng ating samahan ang nakapg sabing “magladlad ka na.” Walang pilitan bagkus pang-unawa ang dapat na ibigay sa bawat takot at pangambang inyong nararamdaman. Hihingi ako ng patawad sapagkat eto kami nagdiriwang pero kayo nababalot ng takot sapagkat karamihan sa atin hindi maintindihan ang takot sa pagladlad.

Hindi lahat nabiyayaan ng tapang upang lumabas ng walang pag-aalinlangan. Hindi lahat nabiyayaan ng pamilya’t kaibigang malawak ang pang-unawa. Ating bigyang galang ang mga kasamahang hanggang sa ngayon nangingibabaw ang takot kapalit ng pagiging malaya. 

Malayo layo pa ang tatahakin nating paglalakbay upang makamit ang mas mapang-unawang lipunan. Nagiging balakid sa usapin ang konserbatibong pananaw; ngunit, mas malaking hamon para sa atin ang mga kasama sa laban na madaming pag-aalinlangan sa kung ano ang ating ipinaglalaba.

Let us celebrate pride without any reservations because a member and an ally of the LGBTQIA+ community should embrace the entirety of the cause not only during June but all months of the year. Let us fight for the issues with a unified front in attaining a more acceptable society. 

MGA HUWAD: Huwag ako, huwag Kami! HUWAG HUWAD!

Advertisement
Advertisement

Like Us On Facebook

YOU MAY ALSO LIKE

Health & Wellness

LGBTQ people experience an average of 17 minority stressors during a 21-day period, and some experienced even more. Most attribute these stressors to sexual...

NEWSMAKERS

Compared to heterosexuals, gay men earned on average 6.8% less, and bisexual men 10.3% less. Meanwhile, bisexual women earned 5.1% less than heterosexual women,...

Health & Wellness

Over 70% of trans and gender diverse people report at least two negative experiences in sexual health care.

POZ

Only 3% of PLHIVs reported experiencing HIV stigma and discrimination, but 41% of HIV-negative and 43% of never tested participants said they would expect...

Advertisement