Connect with us

Hi, what are you looking for?

Op-Ed

Positibong paglalayag

A Filipino living with HIV writes about his ongoing journey, noticing that times may have been harder in the past, but challenges continue to remain even now. True happiness, he said, is waking up knowing new PLHIVs no longer have to live in fear.

Photo by Farshid Zabbahi from Unsplash.com

Sa mundo kung saan gamit na gamit ang salitang pagbabago, tila tunay ngang maraming nagbago. Ikaw anong bago sayo?

Nagsimula akong lumayag sa buhay positibo na madaming tanong, takot, luha’t, pangambang nanalaytay at kumain sa aking pagkatao. Sinimulang kong maghanap ng panibagong espasyo kung saan mararamdaman kong ako’y ligtas at maluwag na mabubuhay ng normal na tila walang nagbago.

X (dating Twitter) ang naging takbohan ko. Madaming tao akong nakilalang namumuhay normal. Mga taong nagpakita’t nagparamdam na ako’y ako at walang nagbago. Mga taong sumalubong sa bawat bagong kabaro na walang kapalit na kahit ano. Iyon ang kinilalang kong bagong tahanan. Mga bago’t dagdag na kapamilya. Nakakataba ng pusong sariwain kong paano kami noon kasi ganito na ngayon…

Magdadalawang taon noong huli akong sumilip sa mundo ng mga positibo online. Umalis akong ang tanging baon ko ay pagod. Ako’y nakaramdam na pagod sa tila pagiging banyaga sa akala ko’y maituturing kong tahanan.

Nakakatuwang mas madali na sa ngayon kumpara noon ang lumabas at magtanggal ng maskarang nagtatago sa ating pagkatao. Pangunahing hadlang noon ang paglalahad ng ating katotohanan ay ang seguridad at pangungutya ng tao. Ngunit ngayon paghanga at paramihan ng tagasunod ang kapalit ng pagbitaw sa maskarang panakip sa ating katotohanan. Nakakatuwa. Ngunit umabot na nga ba talaga tayo sa puntong ligtas na para sa lahat ang ilahad ang ating katotohanan? O isa itong pribilehyong nakalaan para sa iilan lang?

Sa mga kabarong naglakas loob ihayag ang kanilang pagktao sa publiko, hanga ako sa inyo. Saludo ako para sa tapang na ipinamalas niyo. At sa mga mangilan-ilang ginamit at ginagamit ang kanilang boses at mukha upang mas palawigin at palawakin ang usapin patungkol sa HIV and AIDS, salamat!

May mangilan ilan namang tila pinagkakakitaan at ginamit ang kondisyon at pagkakataon. Nakakalungkot lang isipin na tila walang lunas sa sakit ng lipunan na pagsamantalahan bawat pagkakataon pwedeng malamnan ang bulsa o madiligan kung ano mang butas ang pwedeng madiligan. May panghihinayang na naabuso at inaabuso ang dati ay tahanan, safe space ika nga, para sa ilang tila wala nang matakbohan. Ngunit ngayon, ang dating tahanan, tila naging pamilihang bayan para sa iba’t ibang uri ng laman.

Hindi ko hinahangad na basagin ang inyong trip. Sabi nga nila “to each his own” ngunit sana sa ating pagsaid ng karapatan nating maging malaya’t maligaya, nawa’y di mabahiran ang laban ng mga tunay na lumalaban para mamuhay ang bawat isang malaya na walang maskarang hahadlang sa ating katotohanan.

Ang makatotohanang kaligayahan ay gumising isang araw na may bagong kabarong lalayag sa panibagong yugto na walang takot, luha’t, pangamba, ngunit tanging kapanataga na walang pagbabago sa pagiging positibo.

Advertisement. Scroll to continue reading.
Written By

Posit Bo was "reborn" on the 9th of February 2015, when - after he was diagnosed to be HIV-positive - he said that "a new life and a new persona was created." But Posit Bo remains positive (pun intended) about his condition, which he now employs in his advocacy to educate, inspire, and motivate persons regardless of their status. "I am here to share not the virus but my story and wisdom about my condition," Posit Bo says. "I am HIV-positive, but I am still loved, hence, I won't quit but will continue living the life I want."

Advertisement
Advertisement

Like Us On Facebook

YOU MAY ALSO LIKE

POZ

HIV doesn’t integrate randomly. Instead, it follows unique patterns in different tissues, possibly shaped by the local environment and immune responses.

POZ

Older adults with HIV are prescribed opioids at a higher rate and are more likely to have indicators of opioid use disorder.

POZ

The current price of lenacapavir for HIV treatment in the US is $28,000 per person per year. These new agreements, crafted with generic producers,...

From the Editor

Unless it's forced sex or rape, engaging in sexual relations is a mutual decision. Meaning, the responsibility over YOUR body is ON YOU. So...

Advertisement