Connect with us

Hi, what are you looking for?

NEWSMAKERS

Bahaghari LGBTQIA organization patuloy na nananawagan para sa pagsasabatas ng SOGIESC Equality Bill

Kaya patuloy na kinakalampag ng Bahaghari, alyansa ng LGBTQ+ na mga grupo, ang kagyat na pagsasabatas nito upang magkaroon ng proteksyon mula sa diskriminasyon at karahasan ang mamamayan, anuman ang kanilang SOGIE, sa paaralan, lugar-paggawa at mga pampublikong espasyo.

Isinalang na sa period of interpellation nitong Setyembre ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics (SOGIESC) Equality Bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Dalampu’t apat (24) na taon nang nakabinbin ang panukala na ito, pinakamahaba sa kasaysayan ng lehislatura. Kaya patuloy na kinakalampag ng Bahaghari, alyansa ng LGBTQ+ na mga grupo, ang kagyat na pagsasabatas nito upang magkaroon ng proteksyon mula sa diskriminasyon at karahasan ang mamamayan, anuman ang kanilang SOGIE, sa paaralan, lugar-paggawa at mga pampublikong espasyo.

Ayon sa Bahaghari, “sa kasalukuyan, nananaig pa rin ang atrasadong pagtingin, lalo na mula sa mga konserbatibong mambabatas, na ang panukalang batas ay espesyal na batas para lamang sa LGBTQ+ community, ngunit taliwas ito sa danas ng mga pangkaraniwang Pilipinong LGBT.”

Sinalaysay ng grupo na ilang araw lamang ang nakaraan ay nag-viral sa social media app na X (dating Twitter) ang video ng isang trans woman, kasama ang kanyang mga kaibigan, na hinarass at nakatanggap ng mga insulto mula sa isang puting turista. Ngayong taon din ang ika-sampung taong anibersaryo ng pagkamatay ni Jennifer Laude, isang trans woman, sa kamay ng isang sundalong Amerikano.

Naninidigan ang Bahaghari na ang nasabing panukala ay makakatulong sa pagtugon sa umiiral na diskriminasyon at karahasan na kinahaharap ng malawak na sambayanang Pilipino sa usapin ng akses sa edukasyon, hiring at promotion, gender wage gap, ligtas na espasyo sa paaralan at paggawa, akses sa serbisyong pangkalusugan at pampublikong serbisyo, kalayaan sa pagpapahayag at pag-oorganisa at iba pa.

“Ang pakikibaka para sa pagsasabatas ng SOGIESC Equality Bill ay pakikibaka para sa edukasyon, trabaho at karapatan ng lahat. Kaya patuloy ang sigaw ng sangkabaklaan at sambayanan: SOGIESC Equality Bill, isabatas na,” sabi ng Bahaghari.

Advertisement
Advertisement

Like Us On Facebook

YOU MAY ALSO LIKE

NEWSMAKERS

To date, only six UN member States have adopted anti-bullying legislation that protects youth irrespective of their sexual orientation, gender identity, gender expression, and...

Op-Ed

There are still too many misconceptions about intersex people. And one of the commonly-cited erroneous beliefs is linked with the use of the term...

Travel

Soho used to be the only gayborhood in London, considering its connection to the LGBTQIA+ movement in the UK. But now there’s Vauxhall. And...

Health & Wellness

Te more stressful experiences the young people had, the great was the likelihood that they would have dental fear. The association was stronger in...

Advertisement