By Kate Montecarlo Cordova
Founder and Chairwoman, Association of Transgender People in the Philippines
Naisip ko lang na hindi din natin nabigyan ng recognition ang mga lalake na lumaban sabay na sa atin . Mga lalakeng nagbigay saya at respeto sa atin sa kabila ng mapanghusgang lipunan.
Kaya kung may kilala kayong lalake na nagka-jowa or sa mga jowa ng trans women, paki congratulate lang sila.
1. Tunay lang na lalake at buo ang loob na lalake ang kayang ipaglaban ang kanyang nararamdaman.
Alam natin na mabangis ang mga mapanghusgang nilalang. At hindi biro ang pagdadaanan ng mga ito kapag nakikipagrelasyon sa mga trans women. Hinde lahat ng kamag anak, kaibigan o pamilya nila ay malawak ang pananaw sa buhay at may malusog na pananaw. So sila din ay maaring nakaranas o dumadanas ng discrimination or even “gender dysphoria”.
2. Hindi lahat ng mga lalake ay nagkaka-jowa ng trans women.
So para sa akin, ang lalakeng nagka-jowa ng trans woman ay may magandang katangian na wala sa iba. Sa dinami-dami ko ng nakitang mga jowa ng mga trans women, 90% and above sa kanila ay may maganda tindig, magandang pag-uugali at buo ang pagkalalake… na mahirap tularan ng iba.
Karamihan, sa mga magbabarkada na mga lalake, isa o dalawa lang dyan ang pasok para maging jojowain ng trans.
Hinde madaling makakita ng trans na jowa lalo na trans women na disente at maganda.
3. Ang mga trans women ay may kakaibang mata o taste sa pagpili ng jowa.
So sa lalakeng mapili ng mga trans women para gawing jowa, ito ay isang malaking karangalan.
4. Ang pakikipagrelasyon sa trans women ay may dalang aral sa sangkatauhan – ang maging totoo sa sarili at tingnan ang relasyon at pagmamahal hindi base sa “ari ng tao” kundi sa nararamdaman nito.
At dahil dyan, malawak ito mag-isip at hindi ito nabubuhay na ayon sa kung ano ang dikta na lipunan o kinaugaliang paniniwala.
Isasara ko ang salaysay na ito na gamit ang salita ng isang kaibigan na lalake na barumbado (noon) at nakapagrelasyon sa isang trans woma: “Gustong-gusto ko marinig pag sinabihan ako na, ‘Inibig nya nga ang trans woman. Ibig sabihin marumong at masarap sya mag mahal.’
Note: Ang pakikipag-jowa sa trans women ay hindi reflection ng trans women yan. Yan ay reflection ng pagkatao ng lalake – ang buong tapang na harapin kung ano ang magpapaligaya sa kanya, ang mahalin ang mga taong nagbigay sa kanya ng halaga, respeto at tunay na pag-ibig.
It is our time to recognize those men who fought for trans women in the name of love. They deserve that, too.