LGBTQ+ rights group Bahaghari expressed the need for pro-LGBTQ+ laws including the SOGIESC Equality Bill and marriage equality to be explicit legislative priorities of candidates this 2025.
The group’s statement was in response to the LGBTQ+ community’s uproar over opposition bet Heidi Mendoza’s firm NO against same-sex marriage.
“Sa mahabang panahon, laging ginagamit ang LGBTQ+ community sa eleksyon. Naka-project bilang mga ‘entertainer,’ laging makinarya, emcee, endorser at palamuti sa ads ng pulitiko. Laging buhat ang kampanya at pinapangakuan ng pagkilala, pero sa huli, binubura. Oras na para basagin ito,” said Reyna Valmores Salinas, Bahaghari’s chairperson.
“Sa halalang 2025, dapat kilalanin ang LGBTQ+ community bilang legitimate sector, na may legitimate na pinagdadaanan gaya ng diskriminasyon, di pagkilala sa mga paaralan, trabaho at batas. Kung kaya, may legitimate tayong inaasahang mga panukala sa mga nais pumasok sa pamahalaan. Napapanahon na para gawing prayoridad ang SOGIESC Equality Bill, marriage equality, at iba pang batas para makamit natin ang pagkakapantay-pantay sa bansa,” Salinas continued.
As for Mendoza, Salinas shared: “Maraming pulitiko ang mas dapat ipako kesa kay Heidi Mendoza. Kasama na rito ang mga real estate developers, hacienderos, at miyembro ng political dynasties na walang dalang alternatibo sa bulok na pulitika ng Pilipinas. That is why, despite our differences, we respect Ms. Mendoza’s policy on anti-corruption, and wish her the best in her campaign. Sa bahagi natin, malinaw ang tindig: ang tunay na pagmamahal ay pagsuporta sa karapatan mo.”
For Bahaghari, the LGBTQ+ community should be unified.
“Kailangan tayong manindigan at magsama-sama, LGBTQ+ man o hindi. Ang mga dating ginagamit at sinasantabi ng pulitiko, panahon nang bigyang boses sa entablado. Yes na yes tayo sa SOGIESC Equality, marriage equality, at mga hakbang para sa basic concerns ng LGBTQ+ at mga Pilipino tulad ng P1200 minimum wage, regular na trabaho, agrarian reform, national industrialization at marami pa. Hindi na tayo aatras pa. Hindi na tayo magpapabura,” Salinas ended.
