Connect with us

Hi, what are you looking for?

NEWSMAKERS

Protektahan ang LGBTQI na kabataan, ipasa ang Equality Bill – panawagan ng rainbow families, kabataan

Binigyang-diin ng Save the Children Philippines at Babaylanes, Inc. ang pagpapasa ng mga polisya tulad ng SOGIE Equality Bill upang protektahan ang mga LGBTQI na kabataan at upang magsulong ng inklusibong komunidad.

Nauwi sa cyberbullying at mapanakit na mga komento ang pagpapahayag ng isang batang babae ukol sa kaniyang identidad bilang bahagi ng LGBTQI community. Ang pag-asang magsilbing inspirasyon sa iba ay nakaapekto lamang sa kanyang tiwala sa sarili at mental health.

Ang kuwentong ito na ibinahagi ni Jullia, isang child advocate mula sa Save the Children Philippines sa press conference na “Bonggang-Bonggang Bata: Protect LGBTQI Children” ay nagpapakita ng realidad at mga hamon na kinakaharap ng marami sa kanila. 

Bilang tugon, binigyang-diin ng Save the Children Philippines at Babaylanes, Inc. ang pagpapasa ng mga polisya tulad ng SOGIE Equality Bill upang protektahan ang mga LGBTQI na kabataan at upang magsulong ng inklusibong komunidad. Binigyang-diin ng mga organisasyong ito ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang makalikha ng mas ligtas na mga espasyo para sa mga batang may diverse SOGIESC

“Ang SOGIE Equality Bill ay naglalayong protektahan ang mga marhinalisado. Ang mga pamilyang may kasapi mula sa LGBTQI community at ang kanilang mga anak ay hindi sapat ang proteksyon na natatanggap sa kasalukuyan, at ang rainbow kids ay humaharap sa mga hamong hindi dapat dinaranas ng sinumang bata. Patuloy kaming makikipagtulungan sa mga pamilya, komunidad, at stakeholders para sa Pilipinas na kung saan ang bawat batang Pilipino ay lalaking ligtas at masaya [At its core, the SOGIE Equality Bill seeks to protect the vulnerable. Diverse families and children receive few protections at present, and rainbow kids face challenges that all children deserve to be protected from. We will continue to work with families, communities, and stakeholders for a Philippines where every Filipino child can grow up safe and happy],” ani Rep. Roman.  

Ang pangangailangan ng agarang aksyon ay pinagtibay ng datos mula sa The Trevor Project (2024) at iba pang lokal na pananaliksik. Ayon sa ulat, 62% ng LGBTQI na kabataan ay nakaranas ng sintomas ng depression at anxiety, samantala 59% ang nagtangkang saktan ang kanilang mga sarili nitong nakaraang taon.

Bukod dito, 75% ng LGBTQI na kabataan ay nagkaroon ng suicidal thoughts, at halos kalahati ay nagtangkang kunin ang sariling buhay. Dagdag pa rito, iniulat sa pag-aaral ng Council for the Welfare of the Children, UNICEF (2016) na 85.1% ng mga bakla at 75.8% ng mga tibo ay nakaranas ng psychological violence, habang 36.7% ng mga bakla at 23% ng mga tibo ay nakaranas ng sexual violence

Inilahad naman sa ulat ng Human Rights Watch (2017) na “Just Let Us Be” ang mga karanasan ng LGBTQI high school students at mga nagsipagtapos. Binigyang-diin rito na ang berbal at pisikal na pang-aabuso, sexual harassment, at mga disktriminatoryong polisiya ay nagdulot ng depresyon, isolation, at suicidal ideation sa maraming LGBTQI na kabataan.  

Ang mga numerong ito ay hindi lamang istatistika; ito ay tunay na karanasan ng mga tunay na tao. Napakahalaga ng pagbabago sa polisiya upang maprotektahan ang LGBTQI na kabataan. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga kabataang kabilang sa mga bukas na komunidad ay mas mababa ang antas ng mental health concerns. Ang mga kontra diskriminasyong ordinansa at ang pagpasa sa SOGIE Equality Bill ay mahalagang hakbang tungo sa isang lipunang ligtas, suportado, at puno ng kalinga para sa bawat bata, anuman ang kanilang SOGIESC.  

“Kapag ang isang batang babae o sinuman ay nagbahagi ng kanilang identidad, dapat silang tanggapin ng mga bukas na mga bisig, sumusuportang kaibigan, maunawaing pamilya, at bukas na lipunan [When a young girl—or anyone, for that matter, shares their identity, they should be met with open arms, supportive friends, understanding family, and compassionate communities],” ani Jullia.

Advertisement. Scroll to continue reading.

Nanawagan si Jullia sa mga kaalyado at pamilyang Pilipino na lumikha ng mga inklusibong espasyo, mapa-online man o offline, sa pamamagitan ng pagpasa ng SOGIE Equality Bill.

Advertisement
Advertisement

Like Us On Facebook

YOU MAY ALSO LIKE

POZ

Climate change-related extreme weather events, such as drought and flooding, were associated with poorer HIV prevention outcomes, including reduced HIV testing. Extreme weather events...

NEWSMAKERS

Framing the gender gap in politics as due to men’s advantages — in this case, men’s overrepresentation — as opposed to women’s disadvantages—their underrepresentation...

NEWSMAKERS

Stress and/or anxiety stemming from everyday life seems to be the biggest culprit preventing people from having more sex (almost 32%), as well as...

In the Scene

The City of Manila used to have the only gayborhood of Metro Manila… until that became Koreatown. With that gone, where do those in...

Advertisement