Connect with us

Hi, what are you looking for?

Op-Ed

Intersex people are not rare, kailangan lang maintindihan at tanggapin

“Ang mga katulad kong intersex ay kadalasan ay hindi maintindihan ng ibang tao. Ang totoo, minsan nga kami rin mismo ay hindi namin maintindihan kung anong nangyayari sa aming katawan.”

By Jeff Cagandahan
Executive Director
Intersex Philippines, Inc.

Alam mo ba na merong mga katulad kong ipinanganak na hindi pasok sa traditional na definition ng lalaki o babae. Kami ay tinatawag na INTERSEX. Gusto naming ipaalam na hindi kami iba; kailangan lang maintindihan at tanggapin.

Ang mga katulad kong intersex ay kadalasan ay hindi maintindihan ng ibang tao. Ang totoo, minsan nga kami rin mismo ay hindi namin maintindihan kung anong nangyayari sa aming katawan.

Intersex people often face discrimination especially in schools and workplaces. Madalas, may mga naiintriga o may hindi tamang pagtingin sa amin dahil sa pagiging “hindi normal” sa mata ng karamihan. Imagine, ikaw, na may karapatan na maging kung sino ka pero laging ipinaparamdaman sa iyo na kulang o may mali sa iyo. Hindi ba nakakalungkot?

Kung may kilala kang intersex o kung ikaw mismo ay intersex, tandaan mo na karapat-dapat kang tanggapin at respetuhin. Hindi mo kailangang magbago para mapasaya ang iba. Lahat tayo, may karapatan sa ating katawan at dapat lahat tayo may karapatan na maging maligaya at kumpleto sa kung sino tayo.

So, magtulungan tayo, magtanong para matuto at hindi para manghusga, magbukas ng puso’t isipan para sa mga intersex. Tanggapin natin ang lahat, kasi sa huli, LAHAT TAYO AY TAO.

Let’s understand each other.

Written By

Advertisement
Advertisement

Like Us On Facebook

YOU MAY ALSO LIKE

NEWSMAKERS

Blanket ‘just say no’ messages ignore the reality that image-sharing can form part of young people’s relationships, intimacy and social lives. By treating all...

From the Editor

Yes, call out your idols, hold them accountable. From Leni Robredo's welcome of the Israeli ambassador, and her support of Manny "masahol pa sa...

Health & Wellness

70% of uterus transplant recipients achieved at least one live birth (or were still pregnant beyond 20 weeks when the study closed), demonstrating that...

NEWSMAKERS

For the Society of Trans Women of the Philippines (STRAP), rigid dress codes and gendered regulations are routinely weaponized against trans youth.

Advertisement