Feel ko rumampage sa Mega.
Mangarir ng boylet.
Dumisplay sa mga afam.
Tarush! Kemerurut lang.
Wiz na. Di kaya ng powers ko.
Wa ako anda.
Malaybalay, Bukidnon.
Chumenelyn kami ditetch
from the far flung.
Manila and all its dainties.
Paru-parong bukid kaming naakit
sa dazzling lights of the city.
And so paglapag sa pier
ng kakarag-karag na Ro-Ro,
kaway-to-death ang beauty ko.
Wa na care kung wiz ko sila knows.
Wave aketch like Sushmita Sen:
Ola, Khoya! Namaste, Ateh!
May I wear pa sana ng blusang itim.
But no! Kaflung ang kampanerang chorva.
Gumapang kami sa lusak.
Lupita Kashiwahara talaga ang buhay.
Ang balaysung nami’y pugad
ng mga manghaharbat, diwata, at bugaw.
Yesterday, today, and tomorrow.
In-embrace ko ang mashohong
lungsod na mega-embrace rin sa akin.
Omega-crayola tuloy ang drama.
Luz Valdez pa si itang.
Jutay ang paylalu. Imbyerna.
Kaloka tuloy ang mudra.
Windang na sa labada
para kami may malafang.
Kaya aketch anditriz sa Menjologs.
Grabichina man ang heat, keber!
Touchstone Picture ng plackard.
Di keri na ang keri. Kabugan na ito.
Enter the dragon! Down with imferyalizmo.
Makibeki! Wag mashokot!
